1. piso lang ang pamasahe (ngayo’y 8.00 na)
2. ang babae lang ang may hikaw
3. ang preso lang ang may tattoo
4. kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V
5. pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts
6. pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo’y mga nasa pwesto)
7. kala mo’y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie ng Batibot
8. si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
9. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
10. FACES ang in na gimikan
11. SM City ang pinakamagandang mall sa bansa
12. piso lang ang isang basong taho
13. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no’n si manong magtataho
14. tarzan, jojo, at tootsie roll ang pinaggagastusan mo ng mga beinte sinko mo
15. trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon)
16. nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo
17. kaya uso pa ang carbon paper
18. at liquid paper
19. VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)
20. at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok
21. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa’yo para inumin bago matulog
22. nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha
23. sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no’n
24. nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala
25. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo
26. at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin
27. sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin
28. hinihingi mo yung computer cards ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project
29. pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo
30. si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101
31. dalawang piso lang ang songhits
32. iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos nasiya
33. pango pa si Vilma
34. kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita

Tags: , , , ,

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.